Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan

DESKRIPSIYON NG KURSO

Ang kursong ito ay sumasaklaw sa kabatiran sa kahalagahan ng ugnayan ng wika, kultura at lipunan na nagpapalakas at nagpapatibay sa pagka-Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaalaman sa mga gawaing pampananaliksik. Nakapaloob din sa kurso ang pagpapakita ng pag-unawa sa kaligirang pampagkatuto na tumutugon sa kontekstong panlipunan sa pag-aaral ng mga isyung pangwika, kultura at lipunan at paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo na nalilinang ang kritikal at malikhaing pag-iisip para sa makabuluhang pagtuturo at pagkatuto