Kontekstwalisadong Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang kursong Kontekstwalisadong Komunilasyon sa Filipino ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO

Kaalaman
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
3. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa.
4. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik
5. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik.
6. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t ibang konteksto.
5. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Makapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba’t ibang porma ng midya.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-ideya.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.


BALANGKAS NG KURSO

Paksa
I. Pagpapakilala sa kursong KonKom, kahingian, alintuntunin, sistema atpb.
II. Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa mas Mataas na Antas ng
Edukasyon
III. Baryasyon at Rehistro ng Wika
IV. Pagproseso ng Impormasyon
V. Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Linggo 6 Presentasyon ng output at 1st Term Examination

VI. Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal
VII. Mga Proyekto ng Pamahalaan Tungo sa Kagalingang Pambayan at
Pambansang Kaunlaran
VIII. Sining at Kultura ng Pilipinas sa Panahon ng Globalisasyon

Linggo 12 Pagpasa ng mga inaasahang output
2nd Term Examination

IX. Ang Pakikibahagi ng Kabataan sa Usapin / Isyung Panlipunan; Mga dahilan
ng paglahok, epekto sa sarili at sa lipunan
X. Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon Gamit ang Wika
XI. Paghahanda, pagbuo, presentasyon at pagtataya ng mga output

Linggo 18 Final Examination


XIII. MGA PATAKARAN AT TAGUBILIN

Ang mga patakaran sa klase ay sadyang iniayon sa panahon ng pandemya kung saan pinananatili ang pag- aaral sa loob ng tahanan sa pamamagitan ng koneksiyong virtual. Kaya iniisa- isa ang mga patakaran:

1. Pamamalagi sa klase. Kinakailangan ang palaging pagpasok sa klase. Bagamat may pagluluwag sa mga pagkakataong ang koneksiyon sa internet ay mahina. Sa mga pagkakataong ang koneksiyon ay mahina, ang mga mag- aaral ay hinihikayat na magmensahe sa guro sa pamamagitan ng numerong inilathala, chat o kaya ay facebook / messenger.
2. Oras ng pagpasa ng takda. Ang lahat ng kahingian ng kurso ay hinihikayat na magpasa sa itinakdang araw. Sa mga pagkakataon na hindi umaayon ang koneksiyon, ipagpaalam ang dahilan sa guro upang mabigyan ng pagkakataong maipasa ito sa araw na mapagkakasunduan.
3. Pagsasagawa ng tungkulin. Ang lahat ng iniatas sa mga mag- aaral ay dapat sundin maliban lamang kung may napagkasunduang usapan na naaayon sa alituntunin ng unibersidad at batay sa code of conduct, data privacy act at manwal ng mga mag- aaral. Ang mga kagamitan sa pag- uulat ay tungkulin ng gagamit na gumawa ng hakbang. Hanggat maaari tumugon nang maayos at gawin nang may pagsasaalang- alang sa pangangailangan, kakayahan at kagamitang mayroon ang mga mag- aaral. Ang pagkakataong may hindi inaasahang dahilan na hindi maisagawa ang tungkulin ipagpaalam sa guro o pangkat sa gayon ay hindi makaapekto sa daloy ng klase.
4. Pagsasagawa ng karapatan. Malayang makapagtanong ang mga mag- aaral tungkol sa kanilang karapatan. Kinakailangan lamang ang wastong pamitagan sa guro at sa iba pang kasapi ng mga mag- aaral. Kapag may mga usapin o suliranin na nakaaapekto sa pag- aaral ay maaaring isangguni sa guro upang mapag- usapan ng mga kasangkot bago gumawa ng mas mataas na hakbang.
5. Pagdalo sa virtual classroom. Inaasahan na ang mga mag- aaral ay maaayos sa kani- kanilang sariling lokasyon upang mapabilis ang pakikibahagi sa talakayan ng klase. Maaaring pumasok sa klasrum ang mga mag- aaral na nahuli. Mahigpit na ipagbabawal ang lokasyong may mga larawang hindi kaaya- aya, pagkain sa oras ng talakayan, at anumang maaaring maging sagabal.
6. Moda ng pag- aaral. Sa kalahatan, ang LMS ay gagamitin ng lahat ng mag- aaral. Bagamat maaaring maging alternatibo sa pagpasa, pagtatanong, at pagkuha ng impormasyon ang email, text messaging, chat at facebook.
7. Oras ng pakikipagsangguni. Ang guro ay bukas sa pakikipagsangguni sa oras na itatakda o kung may kasunduang naaayon sa mag- aaral at guro sa layuning mapabilis ang pagsangguni. Iayon lamang sa tamang oras ng pakikipagsangguni.

Facebook / Messenger RC Gauuan
Email rcgauuan1985@gmail.com
Blogspot Sanlipi@blogspot.com
Message 09354931837