Pagtuturo sa Filipino sa Elementarya (I) Estraktura at Gamit ng Wikang Filipino
Pangunahing kahingian sa anumang pagtuturo ng wika ang pag-aaral at pagsusuri sa estrukturang nakapaloob dito. Hindi
maititiwalag ang kayarian ng wika upang masapol at maunawaan ang kaligiran, kalikasan at kasaysayan nito. Kung gayon, ang
kursong ito ay nakatuon sa pagsanay ng paggamit ng estruktura at gamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo sa elementarya.
Sumasaklaw ito sa deskriptibong pag-aaral ng wikang Filipino sa antas ng ponolohiya, morpolohiya, sintaktika at semantika.
Bibigyang-diin sa kursong ito ang ibat ibang dulog at estratehiya sa pagtuturo at pagtataya ng/sa wikang Filipino ayon sa kahingian
ng K – 12 curriculum..