Malikhaing Pagsulat (Elective 1)
Deskripsyon ng Kurso:Lilinangin ng kurso ang kasanayang praktikal at malikhain sa pagbasa at pagsulat; ipauunawa at tatalakayin ang mga pundamental na teknik sa pagsulat ng maikling kuwento, tula, at dula na ginamit ng mga kilalang manunulat ng nabanggit na mga anyo. Tutuon ang klase sa matalas na pagsusuri sa mga teknik at worksyap ng mga burador ng mga mag-aaral sa lalo pang ikaiinam ng kanilang mga manuskrito.Matutuhan ng mga mag-aaral ang pagsasanib ng inspirasyon at rebisyon at ang malalim na pagkaunawa sa mga anyo, nIlalaman, pamantayang pangnilalaman,pamantayang pagganap, at kasanayang pampagkatuto.