This subject is merged with FilDis.2 code 6442 1:30-2:30 MWF
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon ng pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue.Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong Konstektwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL).
INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO:
Kaalaman
1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.
2. Maisa-isa ang mga suliraning lokal at nasyonal ng komunidad na kinabibilangan.
3. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik
4. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik.
5. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
6. Malikhain at mapanuring mailapat sa pananaliksik ang piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
Kasanayan
1. Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik.
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos at iba pa mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
3. Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na makapag-aambag sa patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
4. Makapagsaliksik hinggil sa mga sanhi at bunga ng mga suliraning lokal at nasyonal gamit ang mga tradisyonal at modernong mga sanggunian.
5. Makapagbalangkas ng mga makabuluhang solusyon sa mga suliraning lokal at nasyonal.
6. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
7. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
8. Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
9. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso at pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
10. Makabuo ng papel o artikulo na maaaring ibahagi sa isang forum o kumperensya at/o ilathala sa isang akademikong journal.
Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
2. Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.
PARAAN NG PAGTATAYA
| 1st Term | 2nd Term | Final Term |
Class standing (100%) Assignments, Recitations, Worksheets and attendance (50%) Quizzes and projects (50%) |
25% |
25% |
50% |
Major exams / 1st, 2nd and final exams (100%) |
Where, 1TG= CS1 + 1TE 2TG= CS2 + 2TE TFG= CS (final) + FE and FG= 1TG +2TG + TFG (X2) Where, weight of 1TG=25%, 2TG=25% and TFG=50%
2 2 2 4
MGA PATAKARAN AT TAGUBILIN
Ang mga patakaran sa klase ay sadyang iniayon sa panahon ng pandemya kung saan pinananatili ang pag- aaral sa loob ng tahanan sa pamamagitan ng koneksiyong virtual. Kaya iniisa- isa ang mga patakaran:
1. Pamamalagi sa klase. Kinakailangan ang palaging pagpasok sa klase. Bagamat may pagluluwag sa mga pagkakataong ang koneksiyon sa internet ay mahina. Sa mga pagkakataong ang koneksiyon ay mahina, ang mga mag- aaral ay hinihikayat na magmensahe sa guro sa pamamagitan ng numerong inilathala, chat o kaya ay facebook / messenger.
2. Oras ng pagpasa ng takda. Ang lahat ng kahingian ng kurso ay hinihikayat na magpasa sa itinakdang araw. Sa mga pagkakataon na hindi umaayon ang koneksiyon, ipagpaalam ang dahilan sa guro upang mabigyan ng pagkakataong maipasa ito sa araw na mapagkakasunduan.
3. Pagsasagawa ng tungkulin. Ang lahat ng iniatas sa mga mag- aaral ay dapat sundin maliban lamang kung may napagkasunduang usapan na naaayon sa alituntunin ng unibersidad at batay sa code of conduct, data privacy act at manwal ng mga mag- aaral. Ang mga kagamitan sa pag- uulat ay tungkulin ng gagamit na gumawa ng hakbang. Hanggat maaari tumugon nang maayos at gawin nang may pagsasaalang- alang sa pangangailangan, kakayahan at kagamitang mayroon ang mga mag- aaral. Ang pagkakataong may hindi inaasahang dahilan na hindi maisagawa ang tungkulin ipagpaalam sa guro o pangkat sa gayon ay hindi makaapekto sa daloy ng klase.
4. Pagsasagawa ng karapatan. Malayang makapagtanong ang mga mag- aaral tungkol sa kanilang karapatan. Kinakailangan lamang ang wastong pamitagan sa guro at sa iba pang kasapi ng mga mag- aaral. Kapag may mga usapin o suliranin na nakaaapekto sa pag- aaral ay maaaring isangguni sa guro upang mapag- usapan ng mga kasangkot bago gumawa ng mas mataas na hakbang.
5. Pagdalo sa virtual classroom. Inaasahan na ang mga mag- aaral ay maaayos sa kani- kanilang sariling lokasyon upang mapabilis ang pakikibahagi sa talakayan ng klase. Maaaring pumasok sa klasrum ang mga mag- aaral na nahuli. Mahigpit na ipagbabawal ang lokasyong may mga larawang hindi kaaya- aya, pagkain sa oras ng talakayan, at anumang maaaring maging sagabal.
6. Moda ng pag- aaral. Sa kalahatan, ang LMS ay gagamitin ng lahat ng mag- aaral. Bagamat maaaring maging alternatibo sa pagpasa, pagtatanong, at pagkuha ng impormasyon ang email, text messaging, chat at facebook.
7. Oras ng pakikipagsangguni. Ang guro ay bukas sa pakikipagsangguni sa oras na itatakda o kung may kasunduang naaayon sa mag- aaral at guro sa layuning mapabilis ang pagsangguni. Iayon lamang sa tamang oras ng pakikipagsangguni.
Facebook / Messenger Rowena Galvez Mendoza
Email wenagalvezmendoza8@gmail.com
- Teacher: ROWENA MENDOZA
- Enrolled students: 2