Kontekstwalisadong Filipino

PAMAGAT NG KURSO: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

DESKRIPSYON NG KURSO

Ang kursong Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.