Course Description: Sumasaklaw ang kursong ito sa paggamit ng iba’t ibang anyo ng literatura ng Pilipinas galing sa sarili at iba’t ibang rehiyon sa pagtuturo, produksiyon ng mga kagamitang panturo at pagtatayang angkop sa elementarya. Mahalaga ang kursong ito sapagkat ihahanda at ipapadanas sa mismong mga mag-aaral ang landasin kung paano ituturo ang mga panitikang nakalaan sa antas ng elementarya gamit ang wikang Filipino. Higit na bibigyang-tuon ang mga layuning nakatala sa Curriculum Guide mula sa Kagawaran ng Edukasyon, ang aktuwal na mga sipi ng teksto mula sa librong ginagamit sa pampubliko at pampribadong paaralan at paglikha ng mga kagamitang panturo. Sa huli, layunin ng kursong ito na maikintal at mapalalim sa mga mag-aaral (pre-service teachers) ang kanilang kamalayan at pagpapahalaga sa panitikan upang sila ay maging mahusay na guro ng Filipino sa elementarya. Pagkatapos ng isang semestre, ang mga mag-aaral ay inaasahang: (1) naipapamalas ang kasanayan sa mga estratehiyang pampagtuturo sa pagpapaliwanag ng mga batayang kaalaman sa pagtuturo ng panitikan ng Pilipinas sa elementarya; (2) naipapamalas ang kahusayan sa pagtuturo ng Filipino gamit ang wikang Filipino at mother tongue at akmang dulog pagtuturo at pagkatuto ng/sa panitikang Filipino ayon sa kahingian ng K-12 kurikulum; (3) nakakapili, nakakalikha at nakakagamit ng kagamitang panturong nakaugat sa lokal na kultura at (4) nakakapili, nakakalikha at nakakagamit ng mga akmang pagdulog sa pagtasa at pagtaya sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa wikang Filipino
- Teacher: FEDERICIA CALAUAGAN
- Enrolled students: 7