Ang Filipino sa Batayang Kurikulum ng Edukasyon

DESKRIPSIYON NG KURSO

 Ang kursong ito ay sumasaklaw sa pag-aaral sa pangkalahatang pag- aaral ng Filipino kurikulum sa batayang edukasyon.  Kabilang sa talakayan ang kasaysayan ng Filipino kurikulum at mga layunin nito, mga teorya, mga kautusan at batas.  Higit nitong bibigyang diin ang mga kalakaran ng pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino ng kasalukuyang K-12 kurikulum sa batayang edukasyon sa K – F6, F7 – F10 at pagpapatuloy nito mula naman F11 – F12.

Kaugnay ng pag- aaral sa kursong ito na maihanda ang mga mag- aaral na maging dalubhasa sa mga paksa, kasanayan, gawain, pagtataya at pagtatasa ng K-12 Baitang 7 – 10 kabilang ang pagbuo ng e-record at mga kasanayan sa pagbuo ng mga school forms ng batayang edukasyon.