DESKRIPSIYON NG KURSO
Ang Filipino 3 ay sumasaklaw sa sarbey sa kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyang panahon. Bibigyang- diin ang mga katutubong anyo at mga katangian ng panitikan sa bawat panahon upang matutunan ang mga kalakaran tulad ng mga salaysay, paniniwala, kasabihan at kaugalian. Isasagawa ang pagbasa at pagpapakahulugan sa iba’t ibang akdang pampanitikan at mula rito mahango ang isinasaad na mithiin, adhikain, at pangarap ng sambayanan sa gayon ay malinawan ang proseso ng paglilinang n gating pambansang katauhan.
INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO
1. Napaghuhulo ang kahulugan ng tradisyong sarili sa panitikan ng kanyang bansa tungo sa paglilinang ng isang kamalayang makabayan at makabansa. |
2. Naaangkin ang kamalayang ito na magiging gabay sa pagbabasa at pagpapahalaga sa anumang wika ito nasusulat sa pananaw ng isang Pilipino 3. Nabibigyang-diin ang mga pagpapahalagang Pilipino na mahahango sa mga babasahing pampanitikan tungo sa transpormasyon o pagpapanibago ng lipunan. 4. Napagtitibay ang makabuluhang layunin ng panitikan sa pagpapaunlad ng katauhan ng indibidwal at ng lipunan. |
- Teacher: RODELIO GAUUAN
- Enrolled students: 31