Panitikan ng Rehiyon

DESKRIPSIYON NG KURSO

Ang kurso ay pagtalakay at mga pagsasanay sa paggamit ng estratehiyang pampagtuturo na makatutulong sa pagpapaunlad ng mapanuri at malikhaing pag-iisip, sa pag-aaral ng mga pangunahing akda sa mga rehiyonal na wika. Pokus nito ang paggamit ng unang wika, Filipino, at Ingles na makatutulong sa pagtuturo at pagkatuto sa mga orihinal o salin sa Filipino na mga tekstong may pagpapahalagang kultural. Sa huling bahagi ay inaasahan ang pagpapamalas ng kaalaman sa pananaliksik sa mga orihinal na akda sa bawat rehiyon.