Filipino Stenography

Ang asignaturang ito ay isang paglalahad at pagkilala sa mga panimulang alituntunin ng Istenong Filipino batay sa Gregg Shorthand. Ito ay upang magamit nang husto ang pagbasa at pagsulat ng mga tuntuning; paglalahad at paglilinang ng mga kasanayan sa isteno tulad ng mga pagbabaybay, pagbabantas, pagpapayaman ng mga talasalitaan, paglalahad ng wastong paggamit ng mga alituntunin ng balarila at mapagtanto ang kahalagahan ng Istenong Filipino sa kasalukuyang panahon.