Maikling Kwento at Nobela
DESKRIPSYON NG KURSO

Ang kursong ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng pangkasaysayang pagkaunlad ng maikling kuwento at nobelang ng Filipino nang may pagbibigay-diin sa mga sangkap nito sa

pamamagitan ng pagsusuri sa mga ilang mahalagang maikling kuwento magbuhat noong Gintong panahon (1900-1920) hanggang sa kasalukuyan.

INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO

Pagkatapos ng kurso,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nailalahad ang kahulugan, kalikasan, katangian, sangkap at pahapyaw na pinagmulan ng maikling kuwento.
Nakadarama nang lubos na kasiyahan sa halagang pangkatauhan na napapaloob sa mga maikling kuwento tulad ng pagkamakabayan, pakikipagkapwa, makakalikasan at iba pa.
Napapahalagahan ang mga dalisay na kaisipan mula sa mga akda ng mga mangangatha.
Nakagagawa ng koleksyon o porpolyo ng mga piling maikling katha.
Nakakasulat ng mga makabuluhang reaksyon sa mga maikling kathang nababasa.