(5205) Panitikang Filipino

DESKRIPSYON NG KURSO

 

Ang Filipino 3 ay sumasaklaw sa sarbey sa kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyang panahon. Bibigyang- diin ang mga katutubong anyo at mga katangian ng panitikan sa bawat panahon upang matutunan ang mga kalakaran tulad ng mga salaysay, paniniwala, kasabihan at kaugalian. Isasagawa ang pagbasa at pagpapakahulugan sa iba’t ibang akdang pampanitikan at mula rito mahango ang isinasaad na mithiin, adhikain, at pangarap ng sambayanan sa gayon ay malinawan ang proseso ng paglilinang n gating pambansang katauhan.