Panitikang Filipino

GFil 3 (5213 1:30-3:00 M& TH) Ang Panitikang Filipino ay hitik sa bungang karunungan mula pa sa ating mga ninunong gumamit ng karunungan sa pagtugon sa maraming katanungan tungkol sa kanilang kapaligiran hanggang sa malikhaing isipan ng manunulat na Pilipino sa kasalukuyan. Masasalamim ang katutubong kultura at karunungang  lahi sa ating panitikang hinabi ng malikhaing pag-iisip ng mga Pilipino. Ang patuloy na pag-unlad ng Panitikang Filipino hanggang sa kasalukuyan ay bunsod ng maraming pagbabago sa ating bansa. Ang lahat ng ito ay kinakailangan nating mapag-aralan upang maunawaan ang buhay na kakaharapin.