[5221] Panitikang Filipino

Ang kursong ito ay sumasaklaw sa sarbey at pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyang panahon.  Bibigyang- halaga ang mga katutubong anyo at mga katangian ng panitikan sa bawat panahon upang matutunan ang mga kalakaran tulad ng mga pasalaysay, paniniwala, kasabihan at kaugalian .  Isasagawa ang pagbasa at pagpapakahulugan sa iba-ibang akdang pampanitikan at mula rito’y mahango ang isinasaad na mithiin, adhikain at pangarapin ng sambayanan sa gayo’y malinawan ang proseso ng paglilinang ng ating pambansang katauhan.