Trends & Techniques of Teaching Filipino

Deskripsiyon ng Kurso

Ang kursong ito ay naglalaman ng mga sanligang kaalaman ukol sa wikang pambansa at sa pagtuturo nito. Ito ay nagbibigay –pagkakataon sa bawat mag-aaral na gradwado na magkaroon ng sapat na karagdagang kasanayan sa mga bagong pamamaraan o istratehiya sa pagtuturo ng Filipino. Bahagi rin ng mga gawain ang pagsulat ng banghay-aralin batay sa mga natutunang istratehiya o pagdulog. Ang huling bahagi ay ang pagsasagawa ng halimbawang pagtuturo ng mga aralin sa wika at panitikan.

 

Layunin ng Kurso

1.   Nailalahad ang sanligang kaalaman ukol sa pagtuturo ng wikang Filipino.

2.   Nailalarawan ang mabubuting katangian ng guro at mga mag-aaral at ang pag-uugnayan ng bawat isa.

3.   Natatalakay ang mga simulain ng mabuting pagtuturo at pagkatuto.

4.   Nasusuri ang mga pamaraan, istratehiya, pagdulog at mga kalakaran sa pagtuturo ng Filipino.

5.   Nakasusulat ng mga banghay-aralin sa pagtuturo ng Filipino.

6.   Nakapagpapakitang turo ng isang aralin batay sa binuong banghay-aralin.

7.   Nakabubuo ng orihinal na mabisang istratehiya o pamamaraan ng pagtuturo kaugnay ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral.