Deskripsiyon ng Kurso
Ang kursong ito ay sumasaklaw sa pagtatalakay ng simu-simula ng pag-aaral ng Linggwistika sa daigdig at sa Pilipinas sa iba-ibang makasaysayang panahon at ang mga sangay ng Linggwistikang lumitaw sa pagdaan ng panahon. Bibigyan din dito ang panlalarawang Linggwistika. Sa larangang ito ay ipaliliwanag ang kaligiran at kakanyahan ng wika. Ang mag-aaral ay inaasahang makapaglarawan ng isang katutubong wika sa tulong ng huwaran o modelo sa paglalarawan.
Layunin ng Kurso
Panlahat
1. Naisasalaysay ang simu-simula ng Linggwisitika sa daigdig at sa Pilipinas.
2. Naipaliliwanag ang katuturan ng wika, ang mga katangian at kakanyahan nito.
3. Nailalarawan ang isang katutubong wika batay sa mga salik sa paglalarawan.
Tiyak
1. Naisasalaysay ang kasaysayan ng Linggwisitika sa daigdig at sa Pilipinas at ang paglitaw ng iba't ibang sangay nito.
2. Nailalahad ang kahalagahan ng kaalaman sa Linggwisitika ng isang guro ng wika.
3. Naipaliliwanag ang iba-ibang teorya ng wika, ang katuturan, kaligiran at kalikasan nito.
4. Nakikilala ang makaagham ng mga talakay sa Linggwisitika at ang pagkagamit ng mga ito.
5. Nailalarawan ang paglikha ng tunog o pagsasalita.
6. Naipakikita ang paglalarawan sa isang wika.
7. Nakasusulat ng isang pananaliksik sa isang katutubong wika gaya ng Isinay, Gaddang, Ilocano, Ibanag, Kankanaey at iba pang katutubong wika sa Rehiyon II.
- Teacher: RODELIO GAUUAN
- Enrolled students: 4