Contrastive Analysis

Bawat wika ay may kani-kaniyang sistema at sa ganitong kakanyahan ay mangyayaring nalilikha ang mga suliranin o sagabal sa pag-aaral ng pangalawang wika. Ito’y nagpapahiwatig kung gayon na nararapat magtaglay ng kasanayan ang gurong nagtuturo ng wika upang mabigyan lunas ang anumang suliraning makakaharap niya kaugnay dito.

 Tinalakay sa kursong ito ang pag-aaral sa paghahambing at pagsusuri ng mga wika sa iba’t ibang antas tulad sa palatununan, palabuuan, kayarian at sintaksis, talasalitaan at sa aspektong suprasegmental.