Filipino Drama & Play Production
Filipino Drama and Play Production

Ang pag- aaral ng Panitikang Pilipino ay isang pagpapatunay ng pagpapahalaga sa ating sariling kultura. Isa sa mga uri ng panitikang ito ay ang dulang Pilipino. Ang kursong ito ay naglalaman ng mga pag- aaral ukol sa kaligirang kaalaman kaugnay ng dula at sa nagging kasaysayan ng dulang Pilipino. Bahagi rin ang pagsasagawa ng panunuring pampanitikan sa ilan sa mga batikang mandudula at ng kanilang mga tampok na dula mula sa iba’t ibang kalipunan ng dula. Bilang pagwawakas sa pangangailangan, inaasahan na makabubuo ang mga mag- aaral na gradwado ng isang orihinal na dula batay sa mga katangian ng mabuting dula at ang pagsasabula nito sa entablado.

INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO

1. Natutukoy at naipaliliwanag ang mga kaligirang kaalaman ukol sa dula.
2. Natatalakay ang naging kasaysayan ng dulang Pilipino.
3. Nailalahad at nailalarawan ang mahahalagang bahagi ng dula.
4. Nakikilala ang ilang batikang mandudula at ang kanilang tampok na dula.
5. Nasusuri ang ilang halimbawa ng dula mula sa iba’t ibang kalipunan.
6. Nakasusulat ng isang orihinal na dula
7. Nakapagsasadula sa entablado ng nalikhang dula.


BALANGKAS NG KURSO

Paksa
1 I. Talakay sa mga gawain, kahingian ng kurso at patakaran sa
pagmamarka
Dula: Overview at Trend
2 II. Kaligirang Kaalaman ukol sa dula: Kasaysayan ng Dula
4 - 5 III. Mga Sangkap, Elemento at Bahagi ng Dula
6 – 7 IV. Pagbasa at Pagsusuri ng ilang Piling Dula mula sa iba’t ibang
Kalipunan
8 V. Panonood ng dulang pantanghalan at pagsusuri
*Walang Sugat
*Dalagang Bukid

Linggo 9 Pagpasa ng mga inaasahang output
Mid Term Examination

10 – 12 VI. Pagsulat ng Dula (Output 1)
14 - 15 VII. Paghahanda para sa pagtatanghal ng dula
16 - 17 VIII. Pagtatanghal ng Dula (Output 2)

Linggo 18 Final Examination
Upang matamo ang mga layunin ng kurso, gagamitin ang sumusunod na pamamaraan ng pagtuturo:

1. Online / Interaktibong pagtalakay ng mga paksa: ang mga talakay ay pamamatnubayan ng guro sa pamamagitan ng mga mga babasahin, presentasyon na maaaring powerpoint, video at video clips. Ang mga presentasyon ay tutuon sa mahahalagang bahagi ng paksa at inaasahang ang mga mag- aaral ay handa para sa malayang talakayan. Payayamanin ang talakayan sa pamamagitan ng pamaraang tanong- sagot, pagpapaliwanag ng mga konsepto at paglalahad ng mga halimbawang karanasan at mga nabasang artikulo batay sa paksa.

2. Pag- uulat: sanhi ng kasalukuyang pandemya, alternatibo ag pag- uulat ng mga mag- aaral. Ang nasulat na dula ng mga mag- aaral ay inaasahan pamalit sa ulat. *Sa pamamagitan ng mga presentasyon gamit ang anumang uri ng multimedia, ang mga mag- aaral ay aasahang makatatalakay nang may kahusayan ayon sa pamantayang inihanda ng guro o rubrik.

3. Pagsusuri ng dula: Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag- aaral ay inaasahang makabuo ng isang pagsusuri ng napiling dula. Ang gawaing ito ay susukat sa kahusayan ng mga mag- aaral sa paglalapat ng mga konseptong natamo mula sa talakayan. Ang paksa ng susuriing dula ay ayon sa mga panahong kinabinilangan na pili ng mag- aaral.

4. Pagsulat ng dula: Ito’y isahang gawain na nauukol sa paglalapat ng mga kaalaman at karanasan upang makasulat ng dula. Sa pamamagitan ng gawaing ito ay mailalahad ng mga mag- aaral ang kani- kanilang mga kaalaman, istilo sa pagsulat at karanasan.

5. Pakikibahagi sa talakayan: Ang mga mag- aaral ay aasahang maging mahusay sa pakikibahagi sa talakayan. Sa anumang paglalahad ng mga paksa ng guro o kapwa mag- aaral, ang pakikibahagi sa talakayan ay paraan upang mapalawak pa ang kaalaman ng mga mag- aaral sa iba- ibang paksa na tatalakayin. Ang pagbabahagi ay maaaring sa pamamagitan ng pagbibigay ng paglilinaw na tanong o kaya ay paglalahad ng karagdagang impormasyon hinggil sa paksa.


XIII. MGA PATAKARAN AT TAGUBILIN

Ang mga patakaran sa klase ay sadyang iniayon sa panahon ng pandemya kung saan pinananatili ang pag- aaral sa loob ng tahanan sa pamamagitan ng koneksiyong virtual. Kaya iniisa- isa ang mga patakaran:

1. Pamamalagi sa klase. Kinakailangan ang palaging pagpasok sa klase. Bagamat may pagluluwag sa mga pagkakataong ang koneksiyon sa internet ay mahina. Sa mga pagkakataong ang koneksiyon ay mahina, ang mga mag- aaral ay hinihikayat na magmensahe sa guro sa pamamagitan ng numerong inilathala, chat o kaya ay facebook / messenger.
2. Oras ng pagpasa ng takda. Ang lahat ng kahingian ng kurso ay hinihikayat na magpasa sa itinakdang araw. Sa mga pagkakataon na hindi umaayon ang koneksiyon, ipagpaalam ang dahilan sa guro upang mabigyan ng pagkakataong maipasa ito sa araw na mapagkakasunduan.
3. Pagsasagawa ng tungkulin. Ang lahat ng iniatas sa mga mag- aaral ay dapat sundin maliban lamang kung may napagkasunduang usapan na naaayon sa alituntunin ng unibersidad at batay sa code of conduct, data privacy act at manwal ng mga mag- aaral. Ang mga kagamitan sa pag- uulat ay tungkulin ng gagamit na gumawa ng hakbang. Hanggat maaari tumugon nang maayos at gawin nang may pagsasaalang- alang sa pangangailangan, kakayahan at kagamitang mayroon ang mga mag- aaral. Ang pagkakataong may hindi inaasahang dahilan na hindi maisagawa ang tungkulin ipagpaalam sa guro o pangkat sa gayon ay hindi makaapekto sa daloy ng klase.
4. Pagsasagawa ng karapatan. Malayang makapagtanong ang mga mag- aaral tungkol sa kanilang karapatan. Kinakailangan lamang ang wastong pamitagan sa guro at sa iba pang kasapi ng mga mag- aaral. Kapag may mga usapin o suliranin na nakaaapekto sa pag- aaral ay maaaring isangguni sa guro upang mapag- usapan ng mga kasangkot bago gumawa ng mas mataas na hakbang.
5. Pagdalo sa virtual classroom. Inaasahan na ang mga mag- aaral ay maaayos sa kani- kanilang sariling lokasyon upang mapabilis ang pakikibahagi sa talakayan ng klase. Maaaring pumasok sa klasrum ang mga mag- aaral na nahuli. Mahigpit na ipagbabawal ang lokasyong may mga larawang hindi kaaya- aya, pagkain sa oras ng talakayan, at anumang maaaring maging sagabal.
6. Moda ng pag- aaral. Sa kalahatan, ang LMS ay gagamitin ng lahat ng mag- aaral. Bagamat maaaring maging alternatibo sa pagpasa, pagtatanong, at pagkuha ng impormasyon ang email, text messaging, chat at facebook.
7. Oras ng pakikipagsangguni. Ang guro ay bukas sa pakikipagsangguni sa oras na itatakda o kung may kasunduang naaayon sa mag- aaral at guro sa layuning mapabilis ang pagsangguni. Iayon lamang sa tamang oras ng pakikipagsangguni.
Facebook / Messenger RC Gauuan
Email rcgauuan1985@gmail.com
Blogspot Sanlipi@blogspot.com
Message 09354931837