Independent Research Areas in Filipino

DESKRIPSIYON NG KURSO

Naipamamalas ng mataas na antas ng pag-unawa sa mga batayang kaalaman, sa mga lawak, uri, at metodo ng pananaliksik sa wika at panitikan, na naglulundo sa paghahanada ng isang sulating pananaliksik.  Sa huling bahagi ay inaasahan ang pagpasa ng isang halimbawang pananaliksik na maaaring ukol sawika at panitikan.

LAYUNIN

Pagkatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 

A. Nagtataglay ng kaalaman sa sa teknikal na aspeto ng pananaliksik sa pagtuturo at pagkatuto ng wika at panitikang Filipino; 

B. Nakabubuo ng mga pag-aaral ukol sa pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino; 

C. Nakagagawa ng pananaliksik sa wika at panitikang Filipino; at 

D. Naipakikita ng kasanayan sa positibong paggamit ng makabagong teknolohiya